Canary® WBS

Ang panunuhol, pagkalugi resulta ng maling paggamit ng pondo, katiwalian at iba pang mga mapanlinlang na gawain at pang-aabuso ay maaaring mangyari sa iyong kompanya ng hindi mo namamalayan.

Dahil na rin sa takot na ito ay makapagdudulot ng panganib at hindi mabuting kahihinatnan, ang mga saksing empleyado ng mga maling gawain na ito ay maaring magpasyang manahimik na lamang sa loob ng mahabang panahon habang ang mga may sala ay patuloy sa pagnanakaw ng mga mahahalagang pag aari ng iyong kumpanya.

Ukol sa mga pananaliksik, ang pandaraya sa trabaho ay nagresulta sa pagkalugi ng higit sa isang milyong dolyar sa suma total na 22% na mga kaso. Tumagal din sa higit labing-walong buwan bago ang mga ito ay natuklasan. Samakatuwid, ang sistema ng whistleblowing kung saan ligtas na makakapag-ulat ang mga empleyado ukol sa mga negatibong aktibidad ay mahalaga bilang isang pangunahing paraan sa maagang pagtuklas ng iba’t-ibang uri ng pandaraya o katiwalian.

Ang Canary® Whistleblowing System (Canary® WBS) ay isang third-party hotline provider na nagbibigay-daan sa ligtas at anonymous na pag-uulat ng mga aktibidades kasangkot ang mga maling gawain, pandaraya, pang-aabuso at iba pang mga paglabag sa patakaran ng kumpanya.

(*) https://www.acfe.com/report-to-the-nations/2018/

Mga saggunian