MGA MADALAS NA TANONG

Ano ang whistleblowing system?

Ang whistleblowing system ay isang serbisyo na nagbibigay-daan sa anonymous na pag-uulat ng mga hindi etikal na pag-uugali o mga gawaing labag sa batas ng isang organisasyon. Ito ay maaring gamitin ng mga empleyado, consumer, vendor o ng publiko.

Ano ang mga benepisyo ng whistleblowing hotline na nagmumula sa Canary Whistleblowing System?

Ang aming whistleblowing hotline ay naitatag upang idirekta sa lupong tagapamahala (governing body) ang mga ulat patungkol sa isyung may kaugnayan sa maling paggawi, paglabag sa mga patakaran, maling pag-uugali, katiwalian, pandaraya, panliligalig, pagkalugi bunga ng maling paggamit ng pondo, pagnanakaw, paglabag sa patakarang pangkalusugan at kaligtasan, pagtatakip ng masasamang gawain at nepotismo.

Sino ang maaaring gumamit ng hotline?

Ang hotline ay maaaring gamitin ng aming mga empleyado, vendor at customer.

Ano ang mangyayari sa mga ulat?

Ekspertong susuriin ng lupong tagapamahala (governing body) ang mga ulat. Anumang indikasyon ng maling pag-uugali o gawain ay tatalakayin sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga kinakailangang aksyon.

Mananatili bang anonymous ang whistleblower?

Oo. Mahigpit na inilalapat ang mga panuntunan hinggil sa kumpidensyalidad. Bilang karagdagang impormasyon, ang aming system ay tumatanggap ng ano mang uri ng anonymous na pag-uulat.

Mayroon bang gantimpalang matatanggap ang whistleblower?

Ang whistleblower ay walang matatanggap na gantimpala sa pag-uulat ng anumang isyu.

Maaari bang mafollow-up ng whistleblower ang kanyang ulat?

Oo. Ang whistleblower ay may pribilehiyong lumikha ng isang account at magdagdag ng impormasyon. Ang whistleblower ay maaaring makipag-usap sa whistleblowing team sa pamamagitan ng interface na ito.

Anu-anong mga channel ang inihanda ng Canary Whistleblowing System?

Ang whistleblower ay maaaring magpadala ng isang ulat sa pamamagitan ng aming pitong channel gaya ng website form, text message, phone / fax, postage mail, mobile app, email at online chat.

Gaano kaligtas ang Canary Whistleblowing System?

Ang aming server ay gumagamit ng SSL certificate bilang isang cryptographic protocol upang masiguro ang ligtas na komunikasyon sa pagitan ng Canary Whistleblowing System, mga kliyente o whistleblower. Bilang karagdagang seguridad, ang iyong mga datos ay naka-encrypt.

Paano ako makakakuha ng pricing proposal para sa Canary Whistleblowing System?

Para sa pricing proposal, mangyaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng aming contact page.

Sino ang may access sa impormasyong naiulat sa contact center?

Ang impormasyon ay ibabahagi lamang sa mga aprubadong personnel sa paguutos ng kliyente. Hindi ibabahagi ng Canary Whistleblowing System ang kahit anong impormasyon sa kahit sinong indibidwal sa loob man o labas ng iyong organisasyon. Walang impormasyon ang ibabahagi o ilalantad sa anumang uri ng sitwasyon ng walang pahintulot mula sa kliyente.

Ano ang mga lugar na saklaw ng Canary Whistleblowing System?

Ang aming mga tanggapan ay matatagpuan sa Indonesia, Malaysia at Thailand. Kasalukuyan kaming naglilingkod sa mga rehiyon sa Timog Silangang Asya. Gayunpaman, ang aming serbisyo ay hindi limitado sa mga rehiyong ito.

Sa anu-anong mga wika inaalok ang Canary Whistleblowing System?

Sa kasalukuyan, ang aming serbisyo ay inaalok sa anim na wika: Ingles, Pranses, Bahasa Indonesia, Malay, Thai at Filipino. Gayunpaman, ang aming serbisyo ay hindi limitado sa mga wikang ito.

Kailangan mo ba ng karagdagang impormasyon?
SUMANGGUNI

Mga saggunian